beta tape (bé•ta teyp) : teyp ng anumang palabas na ipinapasok sa betamax upang mapanood sa telebisyon
masking tape (más•king teyp) : malapad na teyp at gamit sa pagdidikit ng malaki’t mabigat na bagay, hal pandikit sa kahong balik-bayan
video tape (ví•di•ó teyp) : elektromagnetikong teyp na pinagrerekordan ng mga elektronikong impulse na likha ng mga bahaging video at audio ng isang programa sa telebisyon
video cassette recorder (vi•di•ó ka•sét re•kór•der) : aparato na ginagamit sa pagrerekord at pagpapatakbo ng video tape